GASI GASI.

Ewan ko ba kun bakit Tinotoyo ako sa School, Kung Kilala mo ako at School Mate/Classmate kita, Siguradong alam mo ‘tong sinasabi ko.

Para Sakin, Challenge ang edukasyon... Challenge upang ma lampasan ang iba’t ibang problema ng mga tao. Physical, Emotional, Maging Financial... Pero sa Lagay ko...

”Psychological” Pero normal naman ako sa labas ng School... PROMISE... Pero hindi ko alam kung bakit ako ganun sa loob ng skwelahan, Parang may magnetic Force na bumabalot dito, Hindi ko lang alam kung Mabuti ito Para sa akin... (OOPS!!! Magkukwento pa ako kaya wag mo munang I close ang internet Browser mo...)

 

Sa Teachers naman... naisip mo na bang: Okay lang ba sila? Bakit ka nila pinapasa? Kahit para kang De Pukpok na remote control na minsan lang gumagana???

 

Isang araw.. tinanong ako ng Teacher ko sa English... Tungkol sa Bible (English?- Bible?- Anong Connect???)

 

Itago natin siya sa pangalang Miss Baloney.

 

Si Miss Tocino- Este... Baloney siguro ay isa sa mga masamang elemnto ng eskwelahang napasukan ko... parang iba ang takbo ng isip ko pag siya na ang may hawak ng Blackboard at umo-Occupy ng Teacher’s Table... Balik tayo sa Tanong Niya...

 

“Mr. Mendoza, What do you mean by the Word ‘

Canaan

’”

 

Aba

! Malay Ko? Hindi naman ako nag babasa ng Bibliya, Mahilig akong mag basa ng Pocket books, Pero pag dating sa Bible eh “Out-Of-Place” na ako. Hindi ako maka relate.

Minsan nga, sa pilit na Magbasa ng Bibliya, Inimagine ko na si Jesus Ay Si Harry Potter, at Si Lucifer ay si “Lord Voldemort” Pero Di Rin Gumana...

 

“Kwela si Longga- Este – Baloney (Gutom na ata ako) Hindi niya ako tinigilan, Bagay Siya sa imbestigador.. o kaya Lawyer sa Supreme Court... Hindi niya ako tinantanan... Masahol pa kay Mike Enriquez.

 

“Tao ba si

Canaan

? Pagkain? Pangyayari? Gamit?” Sunod-sunod kong tanong sa kanya, at sinuklian niya ako nga sunod-sunod na “Hindi...”

 

Ayos Din si....uhmmm...(Nag isip muna ako dahil baka kung anong pagkain nanaman ang masabi ko...)... Baloney... Para kaming nag Pinoy Henyo sa Loob ng Room, at parang mga cast ng Eat Bulaga ang mga Classmate ko, Siguro ay hindi rin nila alam kung ano, saan, kalian, o sino si Canaan. Baka naman Word Lang Siya... “Opposite of ‘Kaliwa?’

Canaan

?’”

 

**

 

Matutuwa ka sa School at section na kinabibilangan ko. Pangalan palang ng section ko, Pamatay na...

“Firs”

(Hindi ako kulang ng “t”)

“Firs”

(Sarap Ulit-Ulitin)

Fea -Este -“Firs”

 

**

 

Fears/Firs... Okay Diba??? Kaya siguro Takot samin lahat ng Teachers ng School na to... Sabihin ko kaya sa Principal na Palitan ang Pangalan ng Section namin: “Joys” Ay!!! Wag na lang... baka naman akalaing Endorser kami ng Dishwashing Liquid...

 

**

 

Kumpleto ang line-up namin... may Estudyanteng Toyo (ako), Suka (Dahil sa asim ng amoy niya), Pusa (Dahil Segu-segundong nag re-retouch) ,Isda (Dahil... uhmm... ewan.. mukha lang siyang isda) Itlog (Dahil sa History niya... “Natapunan siya ng itlog nung 1st Year” Kaya iyon ang bansag sa kanya) Kalabaw (Yung Itim na Kalabaw ha... Kasi Maitim Siya eh... Pero sikat

sana

siya ngayon... kung tinanggap niya yung alok na mag model sa “Before and After” Effect ng Master Facial Scrub Whitening) Baboy (Alam mo na siguro kung bakit...) At Syempre.. ung mga Big time na mayayaman...

 

O Diba... kung gagawin mo kaming Pagkain, meron kang Seafood, Siopao, Na Agahan na sunny side up, at hapunan na Adobo... Siyempre.. ung mga mayayaman ang bibili sa kanila...

 

* Firs Cafeteria* “We Feed With Our Bad Tongues”

 

 

**

 

Meron din kaming mga Followers ni Michael V. At Ni Ryan Cayabyab, Mga Composers, Sila yung laging nasa likod ng Classroom at Kumakanta Dahil:

1. Wala silang masagot sa Quiz

2. Wala silang Dalang Chemistry Book at pinatayo ni Ma’am Fuentes.

At

3. Pinag tri-tripan ka nila

 

Pangtanggal Boredom nila yan... Astig noh?? Sila nga pala yung nag pa uso ng Kantang “Wake Me Up When Chemistry Ends.”

 

**

 

Isang Umaga... Lecture Taking...

 

Teacher: Why Are You Writing So Slow??? Why Not Use A Running Ballpen Instead Of A Walking one...??

 

**

 

Sa School na iyon ko din nalaman na meron palang tumatakbong Ballpen... Para Daw mas mabilis ang sulat... Ganun Ka Corny ang mga teachers namin... biro mo, Nagagawa pa nilang mag joke kahit alam nila na mapapahiya lang sila dahil walang tatawa, hay nako.

 

Pero sa kabila ng lahat, hindi mo rin masasabing hangal sila... Sila pa rin ang pinaka magigiting na tao sa mundo para sakin... biro mo... kung ang ermat mo ay halos magpakamatay na dahil sa sobrang tigas ng ulo mo, pano pa ang mga teachers na huma-handle ng hirap na animnapung beses pa... sa daming estudyanteng katulad mo (at ako) eh, na kaya pa nilang controlin...

 

Hmmm... napa isip ako ahhh....

..

....

...

....

....

....

...

...

..

....

...

..

...

...

...

...

...

..

...

..

...

....

..

...

...

....

 

 

Meron kayang Running Ballpen Sa National BookStore???

 

 

**

 

Siguro nga unique ang School namin, Pero Pakiramdam ko lang yun ha?? Kasi hanggang ngayon, wala pa rin akong malinaw na Rason. Ikaw ba namang mag aral sa eskwelahang puro “non-human Being” ang laman. At baka pati ikaw ay masali sa Grupo nila... baka ikaw na yung Aso, o yung Flying Beaver, o kaya naman ay Lemur... Depende sa History, Biodata at hitsura mo...

 

 

**

 

 

Daming mga Sosyal sa mga Skwelahan ngayon (o maging sa labas nito) Kahit yata walang pambili ng posporo na pansindi ng kalan ang mga magulang mo eh, sige pa rin, Feeling Starstruck Finalist...

 

Kailan lang, May nakasabay ako sa pagkain sa Canteen namin, Dalawang babaeng hindi ko ma describe...Anong word ba pwedeng gamitin??... uhmmm Kikay?? Basta!! Ka-hati ko sila sa isang table habang kumakain ako ng Usual na 3pcs. Chicken Nuggets, at 1½ cup Fried Rice Nung Bigla Silang Nag usap:

 

Girl 1: Gawa mo na yung project mo sa Social Studies?

Girl 2: No Nga Eh, Do You Want Make Tulong to Me? Kasi it’s a bit Hard eh, What ba yung Properties Of Inequality?

1: Properties of Inequality? Ano ka Ba? Sa Geometry Yun Eh... You’re So Dumb Talaga!!!

(Hinampas ni Girl 2 si Girl 1)

1: OucH!!! Bakit You Do That To Me??? You Ouched Me!!!

 

(*Normal ang Communication na ito para sa akin... pwera na lang yung nasa ilalim ng line na to)

 

2:You Called Me “Dumb” Kaya???

1:I Hate You For Being You Cuz You Ouched Me!!!

 

Walangya!!! Kung Maarte para sayo ang “Taglish” 2nd Level Ito!!! At kung ano ang susunod na sinabi ni Girl 2, ay hindi ko na alam... nag madali akong ubusin ang nuggets ko ng tatlong subuan lang at madaling nilisan ang table.... para akong isang taong lumabas sa isang building na nasusunog...

 

 

 

*****

 

 

Minsan, Naisip ko kung ano makukuha ko sa pagiging buhay, Privelege?, Experience? Isipin mo, kung buhay ka, hindi maiiwasang magkasala ka, at halos lahat ng kasiyahan na gagawin mo eh MALI at MASAMA, Mamro-mroblema ka pa sa pambayad mo sa PLDT, Meralco, Maynilad, Cellphone, Cable Bills... At hindi ka na mabubuhay kung wala ang mga ito... Pero hindi ko sinasabing magpakamatay ka, O, Ipalaglag ang sinapupunan mo, Okay nang buhay ka kaysa magkalat ka ng laman loob mo sa Edsa dahil nagpa sagasa ka... YUCK!!!

 

***

 

At Dahil na rin siguro sa mga taong katulad ko kaya nabuo ang iba’t ibang relihiyon, dati, katoliko ako, tapos Baptist, Ngayon... Ewan, “No Religion?”

Hay Nako!!! , Religion, Pag naririnig ko yang salitang yan ay na ba-bad trip ako, Naniniwala naman ako sa Diyos, pero sa dami ng relihiyon, hindi ko na alam kung ano ang totoo, ang hindi, o ano yun parang Advertising sa American TV na bigla nalang sumsulpot, o kaya parang Operator logo sa Cellphone mo na bigla na lang sumusulpot kahit hindi mo dina-download... Kainis Diba???

At saka lahat na yata ng mga Relihiyon ay magkakaaway... Parang DOTA.. Sa Iba’t ibang Base, may sarisariling Hero... Parang sa Religion... Si Abante, Si Soriano at marami pang iba... o diba??? Parang Ragnarok Online lang, Mamili ka ng Job mo, Baptist?? INC?? Catholic??

 

*(Mabuti nang umalis ako dito sa Topic na to... Kasalanan na ang ginagawa ko... Pero minsan naisip ko... kung kasalanan lang ang pangbili ng Cellphone at Mga RAM, Video Card at Shawarma... Shemas!!! Mayaman na ako!!!)

 

 

 

 

Sa Labing Dalawa kong Taon ng Pag- YOyoyo, eh meron na rin ako (sa wakas) natutunan, ang (1) Ang Matutong huwag mag sayang ng gamit na hindi ko na ginagamit ( madalas kasi akong mag tapon ng yoyo at bumili ng Bago) at (2) Gumamit ng Yelo Kung Natamaan ako ng Bilog at Umiikot na bagay sa aking Labi...

Kung hindi mo trip ang yoyo, sige... I skip mo tong parting ‘to...

 

Ang yoyo rin pala ay pwedeng ihambing sa totoong Buhay no, Dahil sa mga Tricks nito...

 

Long Sleeper, Around The World, Trapeze, Rock The Baby at Walk The Dog

 

Isipin mo na lang na yoyo ka. Pwede kang matulog ng walang alarm clock na gumigising sayo...at dahil wala kang sense of touch, hindi mo rin mararamdaman ang lamig ng tubig na ibubuhos sayo sa tuwing ayaw mong bumangon sa higaan) Pwede mo ring libutin ang buong mundo, (ingat ka lang... baka makabasag ka ng Bumbilya...) At pwede ka ring maging Aso!!! Astig no?? para kang character ng Cartoon na nag tra-transform sa ano mang bagay na ibigin mo... Pero imagination ko lang yun... Ngunit Posible maging YOYO... Lagyan mo lang ng Tali ang leeg mo... itali ang kabilang dulo nito sa isang mataas na bagay (tulad ng puno) tapos tumalon ka pababa... o diba??? Long Sleeper!!! Hindi lang “long” “FOREVER!!!” (siguraduhin mo lang na complete mo na ang requirements ng pagpapakamatay... makikita ito sa “Ang Paboritong Libro Ni Hudas” ni Bob Ong)

 

 

*** ANG INGAY!!!!***

 

 

Dahil sa Napakalakas na Radyo namin na binuksan ng Praning kong kapatid nung alas 3 ng Madaling araw kanina... prinoblema ko ang musika... Mahilig naman ako dito, Rock, Emo, Punk, RNB, Hip Hop, SKa, Trash, Mellow, Acoustic, Tunog Tao... Kahit ano... pina pakinggan ko...kaso.. gusto ko talagang usisain kung ano ba talaga ang musika...

 

Sa pananaw ng normal na tao... ang musika ay mga bubuyog na nangingiliti at sumisigaw ( o bumubulong) sa ating mga tenga... Madalas nating marinig ang mga ito sa jeep, sa tv, sa radio, sa sinehan, sa kama, sa banyo, sa ulan ( may praning sigurong kumanta... )

minsan naisip ko kung pano ba nagawa ang musika... dahil ba kay jesus o kay buddha??? naisip ko rin kung bakit nuuna yung kidlat bago yung Tunog nito "KABOOOOOOOOOOOOOOOOM!!!!!!!!"

sabay balita na may toasted human being sa kalsada...

 

**

 

" Take me as you are.. push me off the road-"

 

**

 

yan ang usong sounds ngayon... na kung tawagin ay ALTERNATIVE ROCK...

Sinubukan kong mag-gitara sa klase... tinugtog ko ang kantang nasa ibabaw, at, PRESTO... instant "singing-Room-filled-with-Crying-Teachers-Begging-students-to-stop-not-because-of-the-discussions-but-because-he/she-wants-to-go-home-and-wants-the-sun-to-shine-more..." GETS???

 

-------------------------------------------------------------------------------------------

 

Kung di pa siguro kay Bamboo eh, hindi pa isisigaw ng mga tao ang phrase na "Hallelu...HALLELUJAH!!!!!!!!" at hindi banal ang layunin nila...

sabay parang timang na gagalaw ng parang isang pusit na nasa lupa... at wala sa tubig... "WANG-BU??? IKAW BA YAN???"

 

Kung merong kanta meron ding mga sumasayaw "Harlemeers: "Har-lem-Ears" ( tama ba ang definition nito?? )

 

sila ay mga grupo ng mga lalakeng naka-jersey at naka nike shoes na may dalang Stereo/CD player........"ASTIG.. disco ball na lang... night club na..."

 

tuwing nakakasalubong ako ng mga taong ito... iisa lang ang naiisip ko... ( *%^&%$, nyo... sana umulan ng apoy ng magamit nyo yang dancing skills niyo pag napaso kayo sa paa. )

 

-------------------------------------------------------------------------------------------

 

 

dahil musika ang pinag uusapan.. merong ding mga pauso ang mga "RAKISTA" o mga "BASURERO" (definition ko yun....)

 

eto ang ilang trivia na makapag papatunay na rakista nga ang nakaharap mo....

 

1. gothic look... yung mga tipong todo eyeliner... (mga lalaki ito take note...) at mga tayu-tayo ang buhok.. parang si Son Gokou.... gothic ang tawag dito.. para sa palatandaan.. sila yung mga mukhang crew Memorial homes.... hitch a ride... sa karo ng patay???

 

2. Punk look.... *%^*^% ina!!! eto pinaka ayaw ko.... sila yung mga makakapal ang mukha, at mahilig sumabit... SA JEEP

madalas silang makita sa mga malls.. kung ikaw ako... iisa ang mga linya nila: "kamikazee nasa sm!!!" "bigtime tayo... gate crash nalang.."

kung wala sila sa malls.... malamang nasa: kanto, bahay mo (nakiki-inom??) public CR, Tindahan, B-Ball Court... sa utak mo.. pinagtatawanan mo... BASTA KAHIT SAAN!!!

 

3. Mahilig din sila sa mga kantang napaka refreshing sa tenga.... meron nga akong nakuhang lyrics ng ilan nito:

 

"WHAAAAAAAAAGGGGRRRGRGRGRGRGRGGGGGHHHHHHHH DESTROOOOOOOOOOOOOOOOOOYYYYYYYYYYYRYYK IKILLLLLLLLKILLLLL LALLLLLLM MOTHEEEEEEEEEER FUCJAAAAAAAAAAAAAAAAAAAARRRRR WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHWAAAAAAAAAA AAAAAAAAAAAAAAAAARRRRRRRRRRRRGGGGGHHH"

 

*hingal* "growl" po ang tawag jan.... kung hindi ninyo naibigan, subukan ninyong pakinggan at baka magbago isip niyo....marami niyan sa mga Cd binibenta sa Recto. Cannibal Corpse ata isa sa mga yun... (Paki tapon na lang po yung cd sa basurahan pagkatapos... dumudumi na kasi ang pilipinas...)

 

 

-------------------------------------------------------------------------------------------

 

Dahil may musika... syempre may mga henyo (AT TIMANG) na nasa likod ng mga ito.... eto ang ilan sa kanila...

 

1. SLAPSHOCK (bandang praning na walang magawa sa buhay kundi purihin ang mga magsasaka)

2.Bamboo (Tao/Banda.... Iniimpersonate ni WANG BU, astig sila... pero... "kristiyano ka no?? hindi??? ano?? pusit???"

3.Radio active sago project... (ayaw nila sa baboy... mahilig sila sa astro cigarettes at sa pancit... Shabu??? nakatikim na kayo???

4.The Mongols... Putcha!!! may kahoy na (bamboo) may sago (Radio active sago project) ngayon may lapis!!!! Endorser ba kayo ng pinoy materials o ano???

5.Sponge Cola... kakatapos lang ng lapis, may sponge pa.... magkano 12 oz???

Parokya Ni Edgar- Matagal ko nang tinanong sa sarili ko...”SINO BA TALGA SI EDGAR???” siya ba ang nag papasweldo sa mga myembro ng kanyang parokya... at “PWEDE BANG MAG APPLY???

 

-------------------------------------------------------------------------------------------

 

 

Balik tayo sa School...

Isang Umaga...

 

“Bilisan mo Jen-“

“Pabili nga po ng Royal-“

“HOY JEN! TIME NA!!!”

“Paki lagay na lang pos a Plasti-“

“Time Na!!!”

 

 

10 pesos ang Royal sa canteen namin, pero halagang 2.50 pesos lang ang halaga ng nainom ko... late na kami, kaya nag madali kaming umakyat sa building kung saan matatagpuan ang room namin, Bawal ang Drinks doon kaya napilitan akong itapon ang ¾ ng Softdrink, Shuhada.. late na kami kasi...

 

*Pagdating sa room*

 

Ako: (Pumormang papasok.)

Teacher: (SI BALONEY NANAMAN!!) stay outside.. all of you...

 

Dami namain nun- one, two, three, four...thirteen kaming lahat...at DOUBLE SHUHADA-(ang ibig sabihin ng shuhada ay “Hay Nako!”) Friday nun.. JANUARY THIRTEENTH!!! Wow... talk about “malas”

 

Hindi ko alam kung mababadtrip ako... kasi naisip ko na sa positive side ay: Hindi na ako pag iinitan ni Baloney...

Ngunit sa negative ay :Gitara, Shades at Lata ng Alaska Evap na lang ay mukha na kaming pulubi sa Quiapo... Naka salpak kami sa Floorwaxed na Sahig ng magaling at maganda kong school... oh man...

 

***

 

Nakakatuwa sa labas ng Room... (First time kong mapalabas, PEKSMAN!!) Dahil sa mga estudyanteng pinagtatawanan ka... sanay naman ako dito eh... hehehe

Makikita mo rin ang mga magkaka-barkadang, akala mo eh Pinipilit na i-impeach si Gloria... NAGRARALLY SA CORRIDOR??? AYUS!!!

 

Nanjan din si Ate 0 Kuya Eerefer... hindi ko kasi alam kung Ano kasarian niya.. hindi talga ako sure.. wag mo na akong pilitin... siya yung nagsisilbing Enforcer... Biro mo... sa corridor na mayroong 7 classroom na busy sa pag aaral ay may dala siyang PITO??? Pito!! As in, yung Whistle...at isang pito niya lang dapat “out-of-sight ka na”

 

“PRRRRTTTTT TECHNICAL FOUL!!! REPORT AT THE PRINCIPAL’S OFFICE AT ONCE!!!”

 

Wala atang araw (school days) na hindi ko narinig ang malupit at stainless steel na pito niya...shit! para kang nagaaral sa gitna ng Araneta Coliseum, habang nag lalaban ang Redbull at Talk n Txt...

 

“talk, Tie, Taught, Tree, Trust, Tick, Bat, Fate...”

 

Pinapasok na kami ni Baloney, nagpaalam na ako sa mga kaibigan kong alikabok sa sahig  at pumasok...

 

“Boat, Debt, Talk-“ “PREEEEEETTT” (Pumito nanaman si Ate or Kuya Eerefer... ilan na kaya Foul ni taulava???) “-Math, Thank, Thigh, Taught...”

 

 

********

 

 

Naranasan mo na bang baging Bulag?? Yung Wala kang Makita??? Ako naranasan ko na, kanina lang...

 

Lalabas kasi ako ng subdivision kanina, merong dalawang paraan upang makalabas ng Subdivision namin... ang (1) Main Gate. (2) Ang Short cut na bukid sa likod ng Mismong Subdivision... hindi ako makahanap ng magandang rason para lumabas sa main gate ng Subdivision, Sumakay ng Pedicab, at ng Jeep, para lang bumili ng 3 pirasong Choc*nut... ano ako??? Baliw???

 

Nag punta na nga ako sa nasabing daan... at nalamang may bayad palang Piso... kaylangang ihulog mo ang Bayad mo sa Lata ng Lactum na walang laman... Dahil wala akong dalang barya, ay nagtago ako panandalian at tumingin sa sahig... pinilit linawin ang aking mga mata at- EUREKA!!!- nakita ko na ang hinahanap ko... Tansan ng POP COLA... yun ang inihulog ko sa lata ng Lactum... Kaysa namang ihulog ko ang collectable ng Coins na may Picture ni Harry Potter???

 

SOBRANG DILIM PALA SA BUKID NA YUN!!!! As in.. wala kang Makita!!! Bad trip... at nasabi ko bang Bukid yun??? Madaming Putik!!! Masamang kombinasyon ang Putik at Dilim...kahit baliw na katulad ko ay hindi magugustuhan ‘to...

 

At May bayad Pang Piso!!! Para kang bumili ng ticket para mawalan ng Cellphone... o kaya naman nag bayad ka ng piso para maging asawa si Mahal, Shuhada...

 

Sa sobrang dilim, lumipad ang isip ko... kung may makikita man akong bagay ay isa lang ito sa mga ito...

 

1. alitaptap na parang lumilipad na Backlight ng Nokia Cellphone...

 

O

 

2. White lady

 

 

Natakot ako... at dahil nagpadagdag lang sa takot ko ang putik sa paa ko ay ginawan ko ng positive side ang Pagka kita ng White Lady... sana na lang eh kamukha Ni Iya Villania ang Makita ko... (crush ko siya eh!!)

 

Hirap pa lang maging bulag... mas masahol pa sa pagkapa ng Chords sa guitara... pero pagkatapos ng lahat ng paghihirap ko ay nakalabas din ako...

 

Labing pitong beses akong naka tapak ng mga bagay na hindi kanais nais... 15 akong nakatapak ng putik... 1 beses akong nakatapak ng King Size na T@e at nakatapak pa ako ng PALAKA!!!

 

Na bad trip ako... mukha na kasi akong payatas dumpsite na nag lalakad...

 

Nasa kalsada na ako... naglalakad patungo sa tindahan ng... uhm... ok.. nag niloko ko kayo... hindi ako nagtungo dun para bumili ng 3 Choc*nut... nag punta ako dun para bumili ng Internet Card at ma post ang sinulat kong ito sa Blog ko...

 

So naglakad ako patungo sa tindahan ng internet card, ng bigla ako tinamaan ng gutom... may nakita akong bilihan ng SHAWARMA... inisip ko... jung bibili ako... pag pinagtawanan ako ng mga tao dahil sa itsura ko eh pwede kong ipakita ang SHAWARMA ko at sabihing “MUKHA NGA AKONG PULUBI PERO MERON KA BA NITO???”

 

Pero natalo din ang SHAWARMA sa INTERNET... Lakas talaga ng INTERNET... kung sa bagay... pwede ko rin naman sabihin sa mga tatawa sakin na “MUKHA NGA AKONG PUlUBI, PERO MERON NAMAN AKONG TELEPONO, 56K NA MODEM, PERSONAL COMPUTER, AT PAMBILI SA TIG 90 PESOS PER 30 HOURS NA INTERNET CARD NA HAWAK KO!!! IKAW MERON???”